Zamboanga City- Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng Abu-Sayyaf Group (ASG) sa mga awtoridad sa RT Lim Blvd. Brgy. Cawa-cawa, Zamboanga City nito lamang Hunyo 20, 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Han”, 39 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Muti, Zamboanga City na tinaguriang nasa likod ng pangingikil sa mga liblib na lugar ng Zamboanga City at Basilan Province na tinatarget ang mga malalaking tindahan at establisyemento.
Napag-alaman din na si alyas “Han” ay sa ilalim ng pamumuno ni ASG sub-leader Marzan Ajijul na nasa likod ng serye ng pambobomba sa Rural Bus Transit, Inc. sa kahabaan ng Brgy Buenavista noong 2015 at ang pag-atake gamit ang IED sa DASIA Armored Van sa Sitio Marangan, Brgy Muti taong 2016 sa Zamboanga City.
Kasabay ng pagsuko ni alyas “Han” ay ang pagturn-over ng isang isang COLT MK IV caliber .45 with serial number 392685 na may isang magazine at pitong live ammunitions.
Patuloy ang pamahalaan sa pananawagan sa mga natitira pang miyembro ng teroristang grupo na sumuko sa pamahalaan upang makamtan ang kaunlaran at kapayapaan ng ating inang bayan.