Sa malawak at mapangwasak na epekto ng El Niño na nakaapekto sa buong bansa, idinisenyo at ipinatupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF) upang pagsama-samahin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para magbigay ng tulong sa mga lubhang naapektuhan.
Dahil dito, 13,880 benepisyaryo ang target na makatanggap ng Php10,000 cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga nito lamng Hunyo 20, 2024.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng nasabing tulong sa mga benepisyaryo ng Surigao del Sur (Surigao del Sur Sports Complex, Tandag City) at Agusan del Norte (Butuan City Sports Complex).
Kasama ng Pangulo si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa pagpapaabot ng tulong, na ibinigay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program at ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng DSWD.
Buong suporta ang Field Office sa Whole-of-Nation Approach ng administrasyon sa pagtugon sa mga kasalukuyang isyu at alalahanin na lubhang nakakaapekto sa mga Caraganon.
Ang Field Office ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga Local Government Units at National Line Agencies upang matiyak ang tamang hakbang sa pagbibigay ng naaangkop na interbensyon sa mga pangangailangan ng mga mahihirap, marginalized, at disadvantaged na indibidwal, pamilya, at komunidad sa Caraga Region.