Isinagawa ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) ang Releasing of Stipends sa mga benepisyaryo ng Bangsamoro Internship Development Program (BIDP) nito lamang ika-19 ng Hunyo sa MOLE Regional Office, Cotabato City.

May kabuuang 121 benepisyaryo ng BIDP mula sa Cotabato City at Special Geographic Area (SGA) ang nakatanggap ng kanilang 2-month stipends na may kabuuang halagang Php11,253 bawat isa.

Bukod sa cash assistance na natanggap, malaki rin ang pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil sa programang ito nagkaroon sila ng panibagong kaalaman at interpersonal skills upang magamit sa sariling kaunlaran.

Ang BIDP ay isa sa mga pangunahing programa ng Ministry of Labor and Employment, na idinisenyo upang magbigay ng mga oportunidad na magkaroon ng magandang trabaho ang mga kabataan ng Bangsamoro.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *