Nilagdaan ni Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel Jr. at ni Cheryl Eusala, Executive Director ng Philippine Rubber Research Institute (PRRI) ang Memorandum of Agreement (M.O.A.) para sa 7.4 na ektaryang lupain na gagawing Research and Development at Experimental Sites ng institusyon sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Ang PRRI ay naitatag sa ilalim ng Republic Act 10089 na akda ni Governor Dulce Ann K. Hofer no’ng siya’y naging kinatawan sa Kongreso ng ikalawang distrito ng Zamboanga Sibugay.
Ang M.O.A. signing ay ginanap sa DA Head Office sa Maynila.
Laking pasasalamat naman ni Governor Hofer kay Secretary Laurel dahil nabigyan ng permanenteng opisina’t tahanan ang PRRI sa Barangay Sanito sa bayan ng Ipil sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Layon ng nasabing batas na pagbutihin ang kalidad at palaguin ang produksyon ng goma sa Pilipinas sa pamamagitan ng research and development para sa mas ikakaunlad ng ating bansa.