Inilunsad ng JE Hydro and Bioenergy Corporation ang proyektong potable water supply nito lamang ika-19 ng Hunyo 2024 .

Kagaya ng KCC Mall at SM, ang JE Hydro ay isang kumpanya na naglaan ng malaking puhunan sa lungsod. Tinatanggap ng LGU (Local Government Unit) ang pag-unlad na ito dahil magdadala ito ng karagdagang kita sa lungsod mula sa buwis na manggagaling sa kumpanyang ito.

Bukod dito, magdadagdag din ito ng suporta sa supply ng tubig na ibinibigay ng Iligan City Water Works System (ICWS) sa malalaking malls at industriya na itatayo sa lungsod.

Ayon sa Iligan Investment Incentives and Promotion Center (IIIPC), ang maasahang serbisyo ng tubig ay makakaakit ng karagdagang mga imbestor sa lungsod.

Bagamat ang pangunahing tagapagbigay ng tubig ay ang ICWS at kasalukuyang pinalalawak at pinagsusumikapang maging moderno, bukas din ang lungsod sa mga water concessions bilang mga imbestor.

Tiniyak din ang makatarungang regulasyon sa mga water concessions upang maprotektahan ang mga konsumer.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *