Isinagawa ang Serbisyo Caravan ng Lungsod ng Davao sa pamamagitan ng City Mayor’s Office kasabay ang pagdiriwang ng ika-59th Araw ng Barangay Dalag nito lamang ika-20 ng Hunyo 2024 sa Barangay Dalag, Marilog District, Davao City.
Kabilang sa mga kalahok na opisina at ahensya ng gobyerno ay ang PhilHealth, PSA, SSS, AFP, DOH, DSWD, CSWDO, Anti-Scam Unit, Barangay and Cultural Communities Affairs Division, City Agriculturist Office, City Assessor’s Office, City Cooperative Development Office, City Civil Registrar’s Office, City Environment and Natural Resources Office, City Engineer’s Office, City Health Office, City Legal Office, City Planning and Development Office, City Treasurer’s Office, City Transport and Traffic Management Office, City Veterinarian’s Office, Education Benefit System Unit, Lingap, Office of Senior Citizen, Public Employment Service Office City Mayor’s Office, Vice Mayor’s Office at Davao City Police Office.
Layunin ng caravan na dalhin ang mga pampublikong serbisyo sa mga DavaoeƱos, lalo na sa mga residente ng mga malalayong barangay, upang tiyakin na lahat ay makakakuha ng tamang pagkakataon na magamit ang mga serbisyo na inaalok ng lokal na pamahalaan at pambansang mga ahensya.