Namahagi ng Rice seeds at Genetically Modified (GM) Corn seeds ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato sa bayan ng Pikit, Cotabato nito lamang ika-20 ng Hunyo 2024.

Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ang naturang aktibidad na dinaluhan ng mga magsasaka sa ibat ibang barangay ng Pikit, Cotabato.

Ang naturang mga farm inputs ay pinondohan ng abot sa Php1.12 milyong halaga sa ilalim ng Provincial Food Production Project ng kapitolyo.

Umabot sa 410 na magsasaka ang naging benepisyaryo ng naturang programa.

Nagpapasalamat naman ang mga nakatanggap ng naturang biyaya mula sa pamahalaan ng Cotabato dahil sa patuloy na pagsisikap upang maibigay ang angkop na tulong sa mga Cotabateño.

Layunin nito na mapataas ang produksyon ng mga dekalidad na palay at mais sa lalawigan at mabawasan ang gastusin ng mga benepisyaryo sa kanilang pagsasaka.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *