Arestado ng mga awtoridad sa ikinasang joint manhunt operation ang isang lalaki sa kasong Rape sa Iligan City Hall, Buhanginan Hills, Barangay Pala-o, Iligan City nito lamang ika-19 ng Hunyo 2024.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na isang 27 anyos at residente ng Barangay Bunawan, Iligan City.
Bandang 11:40 ng hapon nang nadakip ang suspek sa joint operation ng Iligan City Police Station 3 at Anti-Kidnapping Group – Mindanao Field Unit sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na may Criminal Case No. 24-29414 na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy ang PNP sa pagsagawa ng mga operasyon upang mahuli ang mga wanted persons upang mabigyan ng hustisya ang biktima at mapanatiling ligtas ang komunidad.