Nagbarilan ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF 118th) at Moro Islamic Liberation Front (MILF 105th) Base Command na nagdulot ng takot kaya nagsilikas ang mga residente sa kanilang mga tahanan bandang 9:00 ng umaga nito lamang Miyerkules, Hunyo 19, 2024 sa Sitio Irrigation, Barangay Meta. Datu Unsay, Maguindanao del Sur.
Ang nagbarilan ay ang grupo ni Commander Panzo na mula sa MILF 118th Base Command at Commander Tunga na mula naman sa MILF 105th Base Command.
Ayon kay Police Lieutenant Oriel A Siangco, Chief of Police ng Datu Unsay Municipal Police Station, lumalabas sa imbestigasyon na mayroon na umanong matagal na hidwaan ang dalawang grupo ng MILF.
Dalawa ang naiulat na sugatan na kaagad dinala sa Maguindanao Provincial Hospital para sa atensyong medikal.
Nanawagan naman ang PNP ng pagkakaisa sa gitna ng nangyaring insidente upang magkaroon ng kapayapaan at kaunlaran ang nasabing lugar.