Namahagi ang Local Government Unit-Cotabato ng Centenarian Cash Gift para sa dalawang indibidwal na umabot ng 100 taon mula sa magkaibang bayan ng Aleosan at Kabacan nito lamang ika-19 ng Hunyo 2024.

Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang naturang pamamahagi sa dalawang centenarian ng Cotabato.

Pinagkalooban ng tigPhp50,000 Cash Gift sa bawat Cotabateñong umabot ng 100 taon.

Batay sa datos ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), pitong centenarian ang nakatakdang tatanggap pa ng nasabing regalong handog ng probinsya.

Nagpaabot naman ng mga pasasalamat ang mga centenarian at pamilya nito sa natanggap nilang cash gift mula sa pamahalaan.

Ito ay bilang suporta sa kanila at pagpapakita na rin ng pagsaludo sa mga ito na nagsisilbing inspirasyon sa kanilang pamilya at maging sa kasalukuyang henerasyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *