Dalawang tseke na nagkakahalaga ng Php700,000 ang natanggap ni Punong Barangay Rodrigo Cervantes Chavez ng Barangay San Roque, Prosperidad nito lamang ika-21 ng Hunyo, 2024 mula sa pamahalaang panlalawigan ng Agusan del Sur.
Ang tseke na nagkakahalaga ng Php500,000 ay para sa major rehabilitation ng barangay health center dahil sa hindi maayos na pasilidad nito at para mabigyan ng tamang atensyon ang residente hinggil sa programang pangkalusugan.
Ang isa pang tseke na nagkakahalaga ng Php200,000 ay para sa pagpapagawa ng 82 metrong drainage canal sa bawat gilid ng kalsada mula Purok 1 hanggang elementarya sa naturang barangay ng San Roque.
Laking tuwa at pasasalamat ni Chavez sa mga opisyal ng probinsiya sa pagbibigay pansin sa kanilang mga pangangailangan.
“Ako ay lubos na nagpapasalamat kay Gov. Santiago Cane Jr., Vice Gov. Sammy Tortor, Rep. Adolph Edward “Eddiebong” Plaza at Rep. Alfel Bascug dahil ito ay isang malaking tulong at sa wakas magkakaroon na nang maayos na health center at drainage canal ang aming barangay,” ani Kapitan Chavez.