Cotabato City- Binaril ang isang supervisor ng Food and Beverage Department ng EM Manor Hotel sa Petron Gasoline Station sa Cotabato City pasado 2:00 ng hapon nito lamang Linggo ika-23 ng Hunyo 2024.
Kinilala ang biktima na si Jefferson Yves Chua, residente ng Malagapas RH 10, Cotabato City.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na habang nagpapa gasolina ng motorsiklo ang biktima, nang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek at agad pinagbabaril.
Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa bandang tiyan at kasalukuyang nagpapagaling sa hospital.
Natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng 45 caliber pistol.
Nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng mga personahe ng Cotabato City PNP upang alamin ang motibo at mahuli ang suspek sa pamamaril.