Nagsagawa ng Animal Dispersal Program ang Local Government Unit- Kidapawan sa Kidapawan City, Cotabato nito lamang ika-23 ng Hunyo 2024.
Pinangunahan ng Pamahalaan ng Kidapawan at Office of the City Veterinary o OCVET ang naturang programa.
30 poultry raisers ang naging benepisyaryo ng poultry dispersal na bahagi ng Animal Dispersal Program. Lahat ay miyembro ng Livestock and Poultry Raisers Association. 14 ay mula sa Brgy. Gayola at 11 naman ay mula sa Brgy. Malinan.

Bawat isa ay tumanggap ng limang mga manok (4 females & 1 male), mga planting materials tulad ng Mulberry, Madre de Agua at Azola. Bukod pa rito, tumanggap rin ng dewormer, antibiotics at vitamins na gagamitin naman sa pagpapalaki ng kanilang mga alagang manok.
Nagpasasalamat naman ang mga magsasaka sa kanilang natanggap, at nangakong pagsisikapan na maayos nilang mapalaki ang ipinagkaloob sa kanilang kabuhayan.
Patuloy na nakikibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan sa pagpapaunlad at pagpapalago ng kabuhayan ng mga magsasaka sa lungsod.
