Pinangasiwaan ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9), sa pangunguna ni Director Cayamombao Dia, kasama ang mga division chiefs at mga district engineers ang Mangrove Planting Activity sa Barangay Talabaan, Zamboanga City nito lamang Hunyo 21, 2024.
Ang aktibidad ay bahagi ng aktibong partisipasyon ng kagawaran para mapangalagaan ang kapaligiran, kasama ang mga opisyal at tauhan ng Department of Environment and Natural Resources-9 (DENR-9).
Ang aktibidad ay inorganisa ng Flood Control, Social and Environmental Section (FCSES), sa ilalim ng Planning and Design Division ng DPWH-9. Layunin ng tree planting activity na makatulong sa ecological stability sa lugar sa pamamagitan ng restoration at enrichment ng mangrove forests.