Misamis Oriental- Mahigit 1,089 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa El Salvador City, Misamis Oriental nito lamang ika-22 ng Hunyo 2024.

Kabilang sa mga nasabing benepisyaryo ay mga apektado din ng matinding init sa lalawigan mula sa Barangay Jasaan hanggang Barangay Lugait.

Ang Presidential Distribution ay pinangunahan ni Gov. Peter ‘Sr. Pedro’ M. Unabia, 2nd District Congressman Bambi Emano, SP Board Member Hon. Rey Buhisan, BM Robert De Lara, Provincial Agriculture Office Head Dr. Benjamin Resma at Mayores ng Ikalawang Distrito.

Ito ay nakabalangkas sa PAGLAUM Development Agenda ng gobernador sa letrang ‘A’ o Agriculture Development for Poverty Eradication.

Ang tulong pananalapi na natanggap ng mga magsasaka at mangingisda ay ibinibigay ng pamahalaan upang suportahan ang kanilang kabuhayan. Layunin nito na mapalakas ang sektor ng agrikultura at pangingisda, lalo na sa mga panahong may kalamidad o krisis.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *