Sumuko ang isang 64 anyos na lolo na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Purok 2 Poblacion, Mahayag, Zamboanga del Sur nito lamang Hunyo 28, 2024.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Roger”, 64 anyos, mula sa Higpit Organisadong Masa (HOM)/ Trusted Strong Mass Supporter sa Sangay Partido Lokalidad (SPL) at residente ng Barangay Tulan, Mahayag Zamboanga del Sur.

Agad namang nakatanggap ng sako-sakong bigas, groceries at monetary assistance ang sumuko mula sa pamahalaan.

Ang pagbabalik-loob ng dating NPA ay nagpapakita na ang ating gobyerno ay seryoso na wakasan ang insurhensya at terorismo sa bansa upang makamit ang isang bayan na tahimik, mapayapa at maunlad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *