Sarangani Province- Inilunsad ang “Buhay Ingatan, Droga`y Ayawan” o BIDA Program sa Kapitolyo ng Alabel, Sarangani Province nito lamang ika-24 ng Hunyo 2023.
Pinamunuan ni Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., ang naturang aktibidad.
Nakiisa din si Former Senator at BIDA Ambasador Manny Pacquiao, Hon. Rogelio Pacquiao, Gobernador ng Sarangani Province, at Police Brigadier General Jimili M Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12.
Nilahukan din ito ng pitong (7) Municipal ng Sarangani Province, General Santos City, DILG, PNP, PDEA, BJMP, Philippine Army, BFP, Lokal na Pamahalaan ng Alabel, College Student at iba pang mga Advocacy Support Group.
Sinimulan ang programa sa pagsasayaw ng Zumba kasunod nito ay nagsagawa ng Fun Run/ Bike Ride at TaeBo.
Ang Buhay Ingatan, Droga`y Ayawan o BIDA Program ay isang National Anti-Illegal Drugs Advocacy Program na may layuning pagtibayan ang implementasyon ng Drug Demand Reduction ng bansa katuwang ang Local Government Unit, National Government Agencies, Partner Organizations at Police Regional Office 12 na lumalaban sa pagkalat ng ilegal na droga upang mapanatili ang maayos at payapang komunidad