Sultan Kudarat- Isang Squad Leader ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan sa Brgy. New Bantangan, Columbio, Sitio Dongdong, Brgy Kiadsam, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat nito lamang ika-24 ng Hunyo 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Kurimaw”, 37-anyos, Squad Leader ng Platoon Myphone, Guerilla Front 73 Far South Mindanao Region, at residente ng Brgy Malegdeg, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.
Napag-alamang isinuko rin ng NPA ang dalawang improvised explosive device (IED) components (command detonating explosive) sa mga awtoridad.
Umaasa naman ang pamahalaan ng Sultan Kudarat na tutularan ng natitirang NPA members si alyas “Kurimaw” na sumuko para sa kapayapaan, kaunlaran at katahimikan ng ating bayan.