Arestado ang isang retiradong army matapos maaktuhan ng pagbebenta ng mga baril na walang kaukulang dokumento sa Purok 17C, Hagkol, Valencia City, Bukidnon nito lamang Hunyo 23, 2023.
Nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group 10 at Valencia City PNP na nagresulta sapagkakadakip ng suspek na kinilalang si alyas โEdixonโ, 52 anyos at residente ng Purok 7, Barangay Halapitan, San Fernando, Bukidnon, isang Retired Army.
Nakuha rito ang isang M16A1 Rifle, 6H Rifle at isang bundle ng Php500 bill na ginamit bilang boodle money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act.
Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad na isumbong sa kanilang himpilan ang mga taong may illegal na aktibidad upang mapanatili ang ligtas at payapang komunidad.