Maimbung, Sulu- Walo na ang kumpirmadong sugatan sa patuloy na bakbakan ng mga awtoridad laban sa grupo ng dating Bise Alkalde Pando Mudjasan sa Brgy. Bualo, Maimbung Sulu nito lamang Sabado ng umaga, Hunyo 24, 2023.

Ayon sa ulat, maghahain sana ng search warrant ang mga pulis nang papalapit na ang mga ito sa bahay ng dating Bise Alkalde ay bigla na lamang pinaputukan kaya gumanti ang mga awtoridad ng putok laban sa armadong grupo.

Napag-alaman na apat ang sugatan na pulis mula sa Provincial Mobile Force Company, tatlong pulis naman ang kabilang sa PNP Special Action Force (SAF), at isang sibilyan.

Ayon sa ulat, inilipat na sa Zamboanga City ang mga sugatan upang malapatan ng lunas at patuloy na naka-antabay ang PNP at ang Integrated Provincial Health Office-Sulu Provincial Hospital o IPHO-SPH kung may dagdag pang isusugod sa kanilang pagamutan.

Samantala, naka-alerto pa rin ang PNP at AFP dahil sa tensyon sa lugar at nananawagan sa lahat ng mamamayan na mag-doble ingat dahil sa patuloy na bakbakan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *