Tawi-tawi- Apat na loose firearms ang isinuko ng apat na residente sa mga awtoridad sa Brgy. Hall ng Brgy. Malasa, Bongao, Tawi-tawi nito lamang Hunyo 22, 2023.

Hindi na pinangalanan ang mga residenteng nagsuko ng mga baril na pawang nakatira sa nasabing bayan.

Nabatid na ang mga isinukong armas ay isang M16A1 rifle, isang M79 grenade launcher, isang M1 garand springfield rifle, at isang springfield bolt-action rifle.

Nananawagan ang mga awtoridad sa sinumang residente na may baril pero walang kaukulang dokumento na isuko sa kanilang tanggapan ang kanilang mga armas upang maiwasan na magkaroon ng kaso.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *