Inilunsad ang Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Barangay Taguranao, Matalam, Cotabato nito lamang ika-29 ng Hunyo 2024.

Masayang tinanggap ng 60 benepisyaryo mula sa Barangay Taguranao ang naturang pangkabuhayan mula sa DOLE. Pinangunahan nina 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos, Vice Mayor Ralph Ryan H. Rafael at representante mula sa ahensya ang naturang aktibidad.

Ipinamahagi nito ang Php1,690,027.60 na kabuhayan package na kinabibilangan ng kagamitan sa pagsisimula ng negosyong bakery, barber shop, parlor, carenderia, carwash services, chorizo/embotido making negosyo cart, printing services, pritong manok, tailoring shop, vulcanizing shop, at welding services.

Lubos naman na nagpapasalamat ang mga naging benepisyaryo sa kanilang natanggap na mga pangkabuhayan. Layunin ng ahensya na makatulong sa mga kababayan upang maiangat ang kanilang pamumuhay sa tulong ng mga negosyong handog ng ahensya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *