Masayang nagtipon-tipon ang mga tauhan ng Cotabato Provincial Government katuwang ang LGBTQIA+ community sa selebrayon ng “Kulayaan” Pride Month sa bayan ng Tulunan nito lamang ika-1 ng Hulyo 2024.

Sa naturang pagdiriwang, malayang lumahok ang mga indibidwal sa iba’t ibang mga inihandang aktibidad gaya ng “Color Fun Run” at libreng mga serbisyo na manicure/pedicure, haircut, hair color, HIV testing/screening at iba pa.

Tampok din sa aktibidad ang isinagawang “clean-up drive” na inisyatibo ng Sangguniang Kabataan Municipal Federation Council ng bayan sa pangunguna ni SKMF President Coleen Dela Cruz.

Ang “Kulayaan” ay isang programang inilunsad ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos kasama ang pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza upang maipadama ang pagmamahal at pagpapahalaga ng pamahalaan sa nasabing sektor.

Layunin nito na maisulong ang pagbibigay ng pantay na karapatan, paggalang at pagtanggap sa mga indibidwal anuman ang kasarian ng mga ito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *