Maayos at matiwasay ang isinagawang Pre-Marriage Counseling sa pitong pares na magkasintahan, hakbang upang sa pag-iisang dibdib na isinagawa ng Butuan City Social Welfare Development and Development nito lamang Hulyo 2, 2024 sa Butuan City.

Ayon sa kanilang mga sagot sa Family Enrichment Form lumabas na may siyam na isyu ang pinagtutuunan ng pansin ng Marriage Counselor para mabigyang pansin ang mga hindi tumutugma sa kanilang pananaw sa mga isyu bago pumasok sa pagpapakasal.

May paliwanag din sa bahagi ng mga sumusubok magpakasal at kanila namang tinatanggap ang kanilang partner batay sa pagkakaiba at pananaw na iyon sa mga isyu patungkol bilang mag-asawa.

Binigyan ng certificate of counseling ang pitong mag-asawa matapos lagdaan ang mga dokumentong dapat nilang pirmahan bilang patunay na natapos nila ang proseso.

Nagpasalamat ang mga participants dahil sa pagbibigay ng ideya bilang mag-asawa na binahagi ng marriage counselor.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *