Handog ng Local Government Unit ng Pandag ang financial Assistance para sa 73 residente na pawang mga bagong panganak sa Pandag, Maguindanao del Sur noong ika-3 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ni Odjie Balayman, Pandag Mayor, ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo katuwang ang mga tauhan ng Pandag Local Government Unit.
Ang naturang aktibidad ay may temang “Womb to Tomb Financial Assitanceā, na may adhikain at layunin na maiparamdam sa mga residente ang tunay na serbisyong may puso at malasakit sa bayan.