Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao del Norte ang isinagawang Oplan Serbisyo sa Kalinaw ug Kalamboan nito lamang umaga ng Hulyo 4, 2024 sa Capungagan Barangay Gym, Kapalong, Davao del Norte.
Kabilang sa mga serbisyong handog ng programang ito ay libreng dental and medical consultation, tuli, eye screening, legal services, real property assessment, crops and fisheries at animal health and livestock at iba pa.
Hindi rin nagpahuli ang Davao del Norte Police Provincial Office, na naghandog ng libreng gupit at tiniyak ang maayus at ligtas na pagtatapos ng naturang aktibidad.
Dagdag pa, nagkaroon rin talakayan hinggil sa drug abuse awareness, fire prevention, disaster awareness and preparedness at peace education.
Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao del Norte sa pamumuno ni Gobernador De Carlo Oyo Uy at Davao Norte Police Provincial Office patuloy na ihahatid ng mga ito ang serbisyong nararapat sa publiko.