Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Cotabato ang Bloodletting Activity sa bayan ng Midsayap, Cotabato nito lamang ika-5 ng Hulyo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang Cotabato Regional Medical Center (CRMC), Integrated Provincial Health Office (IPHO), lokal na pamahalaan at Rural Health Unit (RHU) ng nabanggit na bayan at naisakatuparan sa ilalim ng temang “Dugo na Alay, Karugtong ay Buhay”.

Ito ay aktibong nilahukan ng mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Nakiisa din rito ang mga kawani ng Municipal DRRM Offices (MDRRMO) ng Midsayap, Pigcawayan, Aleosan, Libungan at Pikit at mga “abanteros” o barangay responders mula sa unang distrito ng probinsya.

Umabot sa 76 bags naman ng dugo ang nakolekta mula sa mga blood donors na ideneposito ng kapitolyo sa CRMC at maaaring gamitin ng mga CotabateƱo lalo na sa panahon ng emergency.

Layunin ng programang ito na matulungan ang mga kababayan na nangagailangan ng dugo upang madugtungan o maisalba ang kanilang buhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *