Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Davao, sa pamamagitan ng City Sports Development Division, ang 287 mga atleta at mga coach na Dabawenyo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng medalya, cash incentives, at mga plakang pagkilala sa Gabi ng Parangal at Pasasalamat 2024 nito lamang Hunyo 30, 2024 sa SMX Convention, Lanang, Davao City.
Ipinahayag ni City Sports Development Division Head, Michael Denton Aportadera, sa kanyang talumpati na layunin ng okasyon na kilalanin ang mga tagumpay ng mga atleta at mga coach sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng Batang Pinoy 2023, Philippine National Games 2023, at mga internasyonal na kompetisyon noong 2023.
Dagdag pa ang mga tagumpay ng mga atleta at mga coach ay nagdala ng karangalan sa lungsod, at nagpakilala sa mga talento ng mga Dabawenyo. Suot ang kanilang magarbong modernong FilipiƱana at barong, nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga mahahalagang personalidad sa larangan ng sports sa lungsod.