Inilunsad ang Service Caravan for Tagumenyos sa Barangay Pandapan, Tagum City, Davao del Norte nito lamang Hulyo 7, 2024.
Ang naturang caravan ay pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum kaakibat ang PNP, BFP at iba pang ahensya ng gobyerno.
Nagsagawa ng Information Drive hinggil sa Anti-Bastos Law at Violence Against Women and Children(VAWC) ang kinatawan mula sa Davao del Norte Police Provincial Office gayundin ang Bureau of Fire Protection na binigyang-diin naman ang Fire Safety Awareness.
Kabilang naman sa mga serbisyong handog ng mga pampublikong opisina ay health services mula sa City Health Office, social services mula sa DSWD, CSWDO at ATIMAN, agricultural services mula sa CAGRO at CVO, education and livelihood services mula sa PESO at regulatory services mula sa CCRO, CLO.
Namahagi rin ng food packs at kagamitang pambahay at libreng ice cream na labis namang ikinatuwa ng mga bata. Layunin ng programang ito na mailapit sa publiko ang mga serbisyong nararapat at ibahagi ang mga kaalaman na kinakailangan sa pang araw-araw upang makamtan ang payapang pamumuhay.
