Ibinida sa 3-day Dive Expo 2024 ang mga dive sites sa Rehiyon ng Davao kaugnay sa inilunsad ng Davao City Tourism at Promotions Office sa SM Lanang, Davao City nito lamang Hulyo 5, 2024.

Nagsilbing tema ang “Dive with a purpose”, kung saan ibinida rito ang maraming magagandang dive spots sa probinsya ng Davao Oriental na kilala sa katangi-tangi nitong baybayin na mala-pulbos sa puti at dagat na dinarayo ng mga Dabawenyos pati na rin ng mga turista upang mag surfing.

Layunin ng kaganapang ito na mas ipakilala ang kabigha-bighaning ganda ng Davao Oriental upang mas mabigyang pagpapahalaga hindi lamang ang karagatan kung hindi pati na rin ang likas na yaman ng buong probinsya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *