Naganap ang malakas na pagsabog na nagresulta sa pagkakasugat ng ilang miyembro ng Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal (PNP EOD) Unit at iba pang miyembro ng sektor ng seguridad sa lungsod ng Zamboanga nito lamang Hulyo 8, 2024.

Nagpapatuloy ang assessment at imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa kabuuang bilang ng mga biktima sa nangyaring pagsabog sa siyudad.

Matatandaan na ilang araw bago mangyari ang insidente, naglabas ng abiso ang Zamboanga City Police Office hinggil sa isagawang controlled disposal of firecrackers and pyrotechnic materials sa Brgy. Cabatangan na nakatakda sana sa Hulyo 7, 2024.

Iilan din sa mga kabahayan at mga salamin mula sa iilang establisimyento ang napinsala dulot ng malakas na impact ng pagsabog.

Patuloy na man ang pagpapaalala ng PNP na maging alerto at maingat upang hindi na muling mangyari ang pagsabog.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *