Pormal nang sinimulan ang Summer Kids Peace Camp sa bayan ng Tulunan, Cotabato nito lamang ika-7 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ni Governor Emmylou Mendoza ang naturang programa katuwang ang Provincial Accounting Office at Provincial Youth Development Division.

Saya at hiyawan ang bungad ng 947 campers na mga grade 5 pupils mula sa tatlong distrito ng Tulunan, matapos pormal na sinimulan ang tatlong araw na programa.

Sa pamamagitan ng Summer Kids Peace Camp, ang mga batang kalahok ay magkakaroon ng pagkakataong makilala at makihalubilo sa iba pa nilang mga kasama mula sa iba’t ibang paaralan ng naturang bayan.

Layunin nito na panatilihin ang kapayapaan sa probinsya sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga batang CotabateƱo ng pakikipagkapwa, self-awareness, pantay-pantay na karapatan, responsibilidad ng bawat kabataan sa komunidad at iba pa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *