Pinasinayaan ang mga bagong pasilidad sa Gregorio T. Lluch Memorial Hospital na pinangungunahan ni Hon. Freddie Siao, City Mayor nito lamang ika-8 ng Hulyo 2024.

Isa sa mga ito ang CT Scan na kumukuha ng mataas na kalidad na mga larawan ng panloob na istraktura ng katawan ng pasyente.

Ang Oxygen Generator at Ultrasound Machine ay idinagdag din sa kagamitan ng City Hospital.

Magagamit din ang mga pasilidad na tumutulong sa pagpapabuti ng operasyon ng ospital tulad ng bagong Pedia Ward, Intensive Care Unit (ICU), Ortho Ward, Ultra Sound Room, Warehouse at Canteen.

Inaasahan din na matatapos ang iba pang proyekto sa mga susunod na buwan tulad ng bagong botika, laboratoryo, records facility at iba pa.

Ayon kay Mayor Siao, isa sa mga paraan para mapabuti ang ospital ay ang pag-aalaga nang maayos sa mga empleyadong nagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *