Pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development–Lanao del Sur Provincial Office ang pamimigay ng cash assistance sa 90 na magsasaka na labis na naapektuhan ng El Niño sa Tugaya, Lanao del Sur nito lamang ika-9 ng Hulyo 2024.
Ang bawat magsasaka ay nakatanggap ng Php5,800.00 bilang bahagi ng recovery intervention na ipinatupad sa ilalim ng Disaster Response and Management Division.
Pasasalamat naman ang tugon ng mga benipisyaryo sa tulong na natanggap mula sa pamahalaan.
Ang programa ay naglalayon na makapag-bigay ng pondo, mabawasan ang mga panganib at makatulong sa mga mamamayan lalo na sa mga magsasaka upang maka-ahon mula sa dagok na dala ng El Niño.