Nadagdagan ng 24 na tour guide mula sa katutubong Matigsalug matapos sumailalim 7 days comprehensive Community Tour Guiding Training nito lamang ika-8 ng Hulyo 2024 sa ClaudMaru Rainforest, Davao City.
Kabilang sa mga naging talakayan ay ang mga Tourism Overview and DOT Accreditation System, Tourist Arrival and Statistics, Market Profiles, Issues Affecting Tourism, and Tourist Behavior Patterns, Tourism Products and Portfolios, Geography, Philippine History, and Socio-Cultural Interaction, Basic Life Support/Basic First-aid, Personality Development/ Grooming, Social Media Etiquette/ Content Writing/ Basic Photography, Duties and Responsibilities of a Tour Guide and Practical Guiding Techniques, Tour Script Preparation and Presentation/ Techniques, Filipino Brand of Service Excellence Seminar-Workshop.
Ang inisyatibong ito ng Department of Tourism Region 11 ay naglalayong palakasin ang mga lokal na komunidad at pagyabungin ang kanilang mga kasanayan sa turismo lalo pa at hindi maipagkakailang lumalakas ang turismo ng Rehiyon ng Davao.