Handog ng Davao del Norte Public Employment Service Office (PESO) ang pagsasanay sa paggawa ng mga basahan para sa mga miyembro ng Women Responsible to Act, Protect, Prevent and Enforce Laws for Children’s Growth and Development (WRAPPED) nito lamang ika-10 ng Hulyo, 2024 sa Lungsod ng Panabo, Davao del Norte.
Ang sustainable livelihood training na ito ay naging posible sa pangunguna G. Lysander V. Gran, Community Skills Training Livelihood and Entrepreneurship Program (CSTEP) Focal Person.
Aktibo namang nakiisa sa naturang aktibidad sina Police Corporal Roland Ceasar A. Panes, PCR PNCO at Patrolwoman Jay-Ann S Tambilawan, FJGAD PNCO mula sa Panabo Police Station bilang bahagi sa pagdiriwang ng makabuluhang 29th Police Community Relations Month.
Layon ng livelihood training na magkaroon ng extrang kitang pangkabuhayan ang mga kababaihan habang nasa bahay at ginagampanan ang mga tungkulin bilang isang ilaw ng tahanan.