Handog ng Zamboanga del Norte Provincial Health Office ang Basic Life Support- Cardiopulmonary Resuscitation Training para sa mga bumubuo ng Health Service Provider ng Zamboanga del Norte Medical Center nito lamang Hulyo 9, 2024.

Nasa 48 ang dumalo sa nasabing training na binubuo ng limang doktor, tatlong dentista, 23 nurses, walong nursing attendant, dalawang dental aides at pitong administrative support staffs.

Layunin ng programa na madagdagan ang kaalaman ng mga manggagawa sa iba’t ibang ospital sa Zamboanga del Norte.

Ito na ang ika-apat na batch ng mga trainees na sumailalim mula sa naturang probinsya.

Sa kasalukuyan, 880 na mga health service providers ang sumailalim at nakapagkumpleto ng training mula sa iba’t ibang mga district hospital sa probinsya, Rural Health Units, birthing clinics at health emergency response team ng mga lokal na MDRRMOs.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *