Sumuko ang isang caretaker ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Purok Bolinao, Barangay Pantad, Dumalinao, Zamboanga del Sur nito lamang Hulyo 13, 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Bert”, 55 anyos.
Napag-alaman na mula sa defunct GF KARA, WMRPC.
Nagsilbi rin si alyas “Bert” bilang isang courier, look out at caretaker ng NPA.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitirang grupo ng komunistang grupo na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang sariling pamilya.