Matagumpay na isinagawa ang Kapitolyo Serbisyo Caravan ni Gov. Lyndon Barbers nito lamang Hulyo 20, 2024 sa Bacuag, Surigao del Norte.

Sa nasabing aktibidad, mainit na tinanggap ang Serbisyo Caravan Team ng mga opisyal ng Bacuag, pinangunahan ni Mayor Daddy Moke Cebedo at Vice-Mayor Sheila Mae Cebedo.

Ang caravan ay nagdala ng iba’t ibang libreng serbisyo tulad ng medical services, eye check-up, alis bukol, wheelchair distribution, check-up, serbisyong legal, police clearance, at libreng gupit.

Bukod pa rito, namahagi rin ang caravan ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php 25,000 sa mga senior citizens na edad 90 pataas.

Bawat barangay naman ay nakatanggap ng Php1 milyon na tulong pinansyal.

Ang Serbisyo Caravan ay naglalayong magbigay ng agarang tulong at serbisyong medikal sa mga mamamayan, lalo na sa mga nasa liblib na lugar. Ito ay bahagi ng programa ni Gov. Lyndon Barbers na maghatid ng serbisyong pampubliko nang direkta sa mga komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *