Matagumpay na isinagawa ang SurUy-SurUy sa Baryo nito lamang ika-14 ng Hulyo 2024.
Samot-saring serbisyong medikal at mga birthday cakes ang pinamimigay sa mga may kaarawan na senior citizens mula Enero hanggang Hulyo 2024 ang napapaloob sa programa’ng SurUy SurUy na ginanap sa Baryo Sto. Niño Covered Court, Brgy Lapasan, Cagayan de Oro City.
Umabot sa 3,080 na mga PhilHealth cards ang miyembro ng mga data record na binigay na tala ng PhilHealth Region 10 sa tulong ng City Health Insurance Office.
Ang SurUy-SurUy na programa ay sinimulan sa nagkaisang puwersa ng City Health Insurance Office, City Health Office, Jr Borja General Hospital, City Social Welfare and Development Department kasama ang kooperasyon ng mga barangay.
Layunin ni Mayor Rolando Klarex Uy na sa pamamagitan ng programang ito ay mabigyan ng malinaw na serbisyong nararapat tulad ng libreng tuli, dental at eyecare na serbisyo at libreng konsultasyon, pantay na pagkakataon sa ekonomiya, at matiyak na mapapanatili at mapapahalagahan ang kanilang kultura at pamumuhay.
