Nagsagawa ng Groundbreaking Ceremony ng Improvement of Road Section ang Local Government Unit ng General Santos City sa Purok 10 A/B, Barangay Fatima, General Santos City nito lamang ika-16 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ni City Mayor Lorelie G Pacquiao ang naturang Groundbreaking Ceremony katuwang ang mga tauhan ng Lokal na Pamahalaan ng General Santos City at mga Barangay Officials ng Barangay Fatima.

Dalawang purok ang makikinabang sa naturang programa, na bahagi ng pagbigay prayoridad ng Lokal na Pamahalaan na gawing ligtas, maayos at konkreto ang mga daan sa lungsod lalo na sa mga barangay.

Labis ang pasasalamat ng mga residente sa Alkalde at sa mga kasamahan nito dahil sa pagsasagawa ng improvement of road section sa kanilang lugar.

Layunin ng Pamahalaan ng General Santos City na patuloy na pagsasaayos ng mga daan sa iba’t ibang bahagi ng kanilang nasasakupan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *