Sa paglalakbay sa Misamis Oriental, hindi mo dapat palampasin ang mga magagandang destinasyong panturista.
Isa na rito ang Tiklas falls na matatagpuan sa Barangay Lawit, Gingoog City.
Katulad ng ibang mga atraksyong panturista, ang lugar na malapit sa talon ay binuo din bilang isang resort o Eco-Tourism Park ng Pamahalaang Lungsod ng Gingoog City, Misamis Oriental.
Ang Tiklas Falls na kilala bilang majestic waterfall, ang pangunahing at pinakakilalang tourist attraction sa Gingoog City. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit kilala ang Gingoog bilang “City of Waterfalls” dahil sa napakaraming waterfalls na matatagpuan dito.
Bago makarating sa talon, kailangang maglakbay nang 15 minuto sa isang maputik at mabatong daan.
Matatagpuan ito 13 kilometro ang layo mula sa city proper.
Tiyak na matutuwa ang mga turista at bisita na makita ang kaakit-akit na talon.
Maaari ding mag-picnic dito kasama ang buong pamilya, kaibigan at mga kasamahan sa trabaho.
Ito ay isang perpektong destinasyon para sa mga mahilig sa outdoor activities at nature lovers.
Patuloy na pinapaalalahanan ang mga turista na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa lugar at may entrance fee na Php20.00 para sa matanda at P10.00 para sa mga bata (12 years pababa).
Ang pagbisita sa mga ganitong destinasyon ay isang paraan upang makapagpahinga mula sa stress, makipag-bonding sa mga mahal sa buhay, at maranasan ang kagandahan ng kalikasan.