Kakaibang karanasan ang handog ng Little Japan na matatagpuan sa Blooms and Garden Resort sa Barangay Tibolo, Sta. Cruz, Davao del Sur.
Kung saan maaari mong maranasan ang pakiramdam na ikaw ay nasa Japan.
Bida sa tourist spot na ito ang torii gate na pwedi kang makapag-picture suot ang kimono dala ang katana sword kasama ang iyong pamilya, mga barkada, katrabaho at alagang aso sapagkat ang pasilidad ay pet-friendly rin.
Sa halagang Php50.00 ay maaari ka nang makapasok, Php50.00 din ang kimono rental at Php25.00 naman para sa katana sword.
Mayroon ring hot and cold coffee, milktea, sandwiches, ramen at iba pa.
Ito ay bukas mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng gabi buong linggo.
