Dinarayo at binabalik-balikan hindi lamang ng mga lokal kung hindi pati na rin ng mga turista ang Purple Hill na matatagpuan sa Jardin de Señorita sa Barangay Kapatagan, Digos City, Davao del Sur.
Sa halagang Php110.00 ay makakapasok ka na at maaari ka ng makapag-picture sa purple tower, at makukulay na iba’t ibang klase ng bulaklak at kung 3-10 taong gulang naman ay Php55.00 lamang habang Php80.00 naman kung Senior o PWD.
Ang Jardin de Señorita ay tumatanggap ng reservation para sa overnight stay, photoshoot, garden wedding, christening, birthday at iba pang okasyon. Hindi rin kailangan mangamba kung ikaw ay magtatagal sa Jardin de Señorita sapagkat mayroong iba’t ibang mapagpipiliang pizza, pasta, burger, fries, salad, nachos, fish and chips at rice meals.
Ano pa ang hinihintay mo? Tara na!
