Ang Isla ng Basilan ay ang pinakamalaki at nasa pinakahilagang bahagi ng mga pangunahing isla ng Sulu Archipelago.  Dito matatagpuan ang tinawag na tahanan ng isang kahanga-hangang paraiso, ang Malamawi Island na may kabuuang sukat na 11 hectares.

Ang Malamawi White Beach ay isa sa mga lihim na paraiso sa Lungsod ng Isabela, Basilan.

Ito ay may makinis na buhangin at malinaw na tubig na hinahalintulad sa Boracay beach.

Isa pang agaw pansin, ang isang mahabang tulay na nagbibigay ng magandang tanawin ng karagatan at nasa dulo nito matatagpuan ang isang kubo na maaari kang magpahinga habang nakatanaw at pinagmamamsdan ang alon ng dagat.

Maranasan ang kagandahan ng kalikasan habang nakahiga sa puting buhangin, may sariwang hangin habang pinagmamasdan ang ganda ng kalangitan.

Kaya tara na! ating tuklasin at isama sa ating bucket list ang Malamawi White Beach.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *