Isinagawa ang Rido Conflict Settlement and Unification sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng apat na pamilya sa bayan ng Buldon Maguindanao Del Norte noong ika-17 ng Hulyo 2024.
Namagitan sa naturang aktibidad ang Local Government Unit (LGU) Buldon katuwang ang mga tauhan ng Philippine Marines at mga personahe ng Maguindanao del Norte PNP.
Ang aktibidad ay ikinasa upang resolbahin ang hindi pagkakaunawan ng pamilya Racman at Momilite Family laban sa Macabago at Tagadaya Family at H. Jamil Lambas Family laban sa Bongaranon Baltao Family.
Sa tulong ng PNP, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan ay masisiguro na matuldukan ang bawat hidwaan o hindi pagkakaintindihan upang manumbalik ang kapayapaan at magandang relasyon ng bawat residente sa kanilang nasasakupan.