Sumuko ang isang babae na supporter ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Sitio Saca-on Purok Rose, Barangay Guinoman, Zamboaanga Sibugay nito lamang Hulyo 18, 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Jane”, 45 anyos, supporter ng NPA sa ilalaim ng Regional Urban Committee, Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC).
Napag-alaman na nagsilbi rin bilang isang courier, look out at caretaker ng komunistang grupo si “Jane”.
Samantala, patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimulang muli kasama ang kanilang sariling pamilya.