Handog ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) IX ang 15 Small Water Impounding System (SWIS) Projects sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula nito lamang Hulyo 21, 2024.

Ayon kay DENR IX Regional Executive Director Arturo Fadriquela, ang nasabing mga proyekto ay may kabuuang kapasidad na 828 cubic meters.

Nasa apat na SWIS Projects ang naipatayo sa Zamboanga Sibugay, isa sa Zamboanga del Norte, at 10 naman sa Zamboanga del Sur.

Sa pamamagitan ng naturang inisyatibo ay nasa 450 kabahayan at 365 farmlands o sakahan sa Region IX ang natulungan ng SWIS Projects.

Sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay natulungan ng DENR IX na i-modernize ang agrikultura, at ang layon ng programa na madagdagan ang kita sa mga kanayunan at mapagtibay ang food security sa pamamagitan ng ‘improved water management’ at imprastraktura sa irigasyon.

Photos by DENR IX

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *