Binabalik-balikan ng mga lokal at turista ang Tinago Falls dahil sa kaakit-akit nitong ganda na matatagpuan sa Barangay Ditucalan, Iligan City, Lanao Del Norte.
Ang Tinago Falls ay isa sa pinakamaraming nakatagong likas na kayamanan.
Ito ay tinatawag din na “Hidden Falls” dahil kailanganin mo pang bumaba o humakbang ng 500 steps mula sa Entrance.
Ito ay may balsa rin kung saan pwde kang sumakay at magpicture para makuha ang magandang view ng talon at malinaw na tubig.
Pwede rin tumalon sa talon na may taas na 240 talampakan at napapaligiran ng mga malalaking istrukturang bato.
Sa kabila ng matayog na tanawing ito, ang nasa ilalim ng talon ay nag-iiwan sa mga bisita ng mas malaking pagkamangha dahil sa natural na ganda nito.
Kaya sa mga nature lover, ano pang hinihintay niyo?
Tara na! Ating tuklasin o saksihan ang ganda ng kalikasan at isama natin sa bucket list ang Tinago Falls.