Isa na namang tourist spot ang matatagpuan sa Marilog District ng Davao City, ang SeaClouds Mountain View Resort na handog ay kakaibang karanasan para sa mga bisita.

Ang SeaClouds Mountain View Resort ay Japanese inspired resort kung saan ay maaari kang mag daytour sa halagang Php149.00 para sa adults, Php99.00 para sa 3-10 taong gulang at libre naman kung 2 taon pababa.

Mayroon rin ritong kimono rental, souvenir shop at Ichigo Cafe and Restaurant.

Ang resort ay hindi tumatanggap ng walk-in sapagkat nais nitong masigurado na masaya at mapayapang ma e-enjoy ng mga bisita ang mga pagkain at tanawin.

Tumatanggap naman ito ng exclusive booking para sa iba’t ibang okasyon gaya na lamang ng kasal at birthday sa halagang Php99,000 na good for 40px kasama na ang breakfast buffet.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *